Monday, September 23, 2013

Tutulong ka ba?

Ang hirap talagang isipin na sa kabila ng pagtulong mo ay ikaw pa ang lumalabas na may kasalanan at maaaring ito rin ang maging dahilan nang lalong paglala ng sitwasyon na kung saan ay maaari mawawalan ka ng gana upang ituloy ang isang bagay na maganda. Likas talaga sa ating mga pilipino ang maging mapagbigay, kaya maaaring ito ang naging dahilan kung bakit ilang beses na rin tayong muntikang masakop ng mga dayuhan. Lagi nalang tayong naabuso sa kaugaliang ito kaya nararapat lamang nating malaman ang responsibilidad na kaakibat ng magandang ugaling ito nang sa ganoong paraan ay malaman natin ang mas magandang solusiyon sa kahit anong suliranin. Isa narin ito sa bagay na makapag bibigay ng ediya upang mapalakas ang ating isipan, ituloy ang magandang ugali ngunit kinakailagang malaman ang responsibilidad na kasama nito upang mahawakang mabuti. Kinakailangan natin munang pagaralan ang magiging sitwasyon nito at ikakabunga ng ating pagtulong o pagmamagandang loob sa kapwa upang maiwasang maabuso at masisisi sa bandang huli.

Ang pagkuha ng Impormasyon at Sitwasyon muna bago lapatan ng magandang aksiyon ang dapat nating gawin. “Ang pagkakamali ay di na matutuwid ng isa pang pag kakamali” ito ang kasabihang Pilipino kaya’t kinakailangang maging matalino sa simpleng pagtulong sa kapwa. Halimbawa nito ay mayroon tayong kakilala o kamagaanak na nakagawa ng mali at pagtakpan ang ginawa nito upang sa ganoon ay hindi na siya mapahamak. Ngunit alam nating lahat na ang paggawa nito ay isang bagay na maaaring maging ikapapahamak natin (maaari tayong makasuhan sa ating pagtulong sa nagkasala) na sa kabilang banda kapag hindi naman natin siya pinagtakpan ay tayo ang kaniyang babalikan. Ito ay maaaring ipaliwanag sa kanya upang hindi niya maging kaugaliang gumawa ng masama maging maliit man o malaki ay kailangan niyang harapin ang kanyang nagawang kasalanan.

Mahalaga ang pagbibigay ng tulong sa kapwa dahil sa pamamagitan nito ay maaari magbigay ng pagbabago hindi lang sa iyong kamaganak at maging sa iyong lipunan. Sa tulong na maaari mong maiparating at maipalaganap sa mga taong naghahanap kahit sa hindi mo kakilala at kung maisasagawa mo ng tama at alam mo ang resposibilidad na nakalakip dito maaaring magiging malinaw ang paningin mo sa paggawa nito na kahit hindi umaaasa sa magiging kapalit nito ay kusang babalik. Lagi nating isiping kung ang taong tinutulungan mo ba ay magiging karapatdapat sa tulong na ibibigay mo at maaari niyang ibigay sa iba.

Dapat din nating malaman na kung tayo ay tutulong mas magandang itanong muna natin sa sarili natin na kung maging karapatdapat ba tayong tumulong, itanong natin sa ating sarili kung may sapat na ba tayong kaalaman upang isagawa ang ating pagtulong sa iba? Ilarawan natin ang ating sarili sa ating bibigyan ng tulong upang sa ganoong paraan ay maaari nating masagot ang kanilang katanungan, upang maging sapat ang lohika at impormasyong ating ibabahagi, karampatang solusyon sa kanilang mga problema upang masagot ang kanilang pangangailangan sa pamamagitan ng pagbibigay payo.


Sino ang may karapatang mabigyan ng tulong?

No comments :

Popular Posts

Premium Products

Nothing is imposible, for those people who seek for posibilities!! Take actions Stay Connected