Monday, August 26, 2013

Weird


May mga weird things na ginagawa ang mga tao, minsan maganda o minsan nama’y masama. Halimbawa nito ay ang paggawa ng masama o panloloko na ang nagiging dahilan nila ay kahirapan sa buhay, pagkakaroon ng kapos sa pagkakataon na makapagtrabaho ng matino. Ngunit isipin din naman natin na may mga taong meron ng magandang katayuan sa buhay ay gumagawa parin ng paraan upang makapanloko ng kanilang kapwa. Weird diba? para san ba talaga at para kanino?

“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong mangyari sayo”.

Pero sabi nga nila nasa tao daw talaga ang pagpili ng kanilang patutunguhan, depende sa kung anong layunin at paraan upang makuha nila ang gusto nilang makamit. Maraming solusyon sa problema ang maaaring pagpilian. Maraming paraan upang maisakatuparan mo ng maayos ang iyong layunin na hindi gumagamit ng anumang masamang bagay.

”Ang mabuting gawa, kailan ma’y hindi magkakaroon ng masamang bunga”.

Mga bagay na hindi natin alam, mga bagay na hindi tayo interesado o Weird sa ating pananaw, maaaring yung hindi natin nalalaman ay ang pagkakataon na akma sa atin at maaring yun yung kailangan lang nating impormasyon na dapat nating pagaralan upang malaman ang ibang bagay na makakapagpasaya sa atin.

“Mapalad ang mga taong naghahanap ng kasagutan sa kanyang katanungan”

Weird man sabihin, na ang mga solusyon na nakikita mo at bagay na ginagawa mo ay kakaiba sa kanila, yun ay dahil iba na ang iyong pananaw sa buhay. Para bang latang nabuksan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng bagong kalaman, nakatuklas ng bagong pagiisip na hindi naiintindihan ng ibang tao. Hangang tama at maganda ang iyong paniniwala't malinis na hangarin na mas makakabuti ito, sa iyo at sa karamihan, kailangan mong malaman kung sino rin ang naghahanap nito upang matulungan sa kanyang paghahanap ng kasagutan. "We are born unique from other creature", hindi mo kailangang ikahiya ang mga bagay na ito, at mas lalong hindi mo kinakailangang ipagpilitan ang bagay na alam mo para lang maintindihan ka nila.

Iba't-iba ang pananaw ng mga tao, ngunit kung iyong aalamin, meron kang katulad na naghahanap ng karamay upang mas maintindihan ang mga bagay at mas makapagpapabuti sa kanila. Gaya ng isang Doktor, siya ay humahanap parin ng isa pang Doktor na mas may alam o mas malaking karanasan upang mas maging bihasa at mapalawak pa ang kanyang kaalaman sa mga bagay na ito.

"Success is not one day process it takes Effort and Time, same as Knowledge".


Ang wastong paghahanap ng oportunidad ang aming layunin.



Don't forget to spread the Good News!!!

Popular Posts

Premium Products

Nothing is imposible, for those people who seek for posibilities!! Take actions Stay Connected