Ang aktibong kita ay nakukuha sa pamamagitan ng pamamasukan, pagsisilbi, pagbibigay serbisyo o pangangamuhan sa kumpanya, organisasyon o sa isang tao. Halimbawa, kung ikaw ay nakakatanggap ng sahod, sweldo, komisyon o tip. Kauganay ito sa pagiging empleyado sa isang kumpanya na nakakatanggap ng kaukulang pasahod, nakabatay ang mga ito sa iba't ibang posisyon at kakayahan sa pagsasagawa ng kanilang trabaho't resposibilidad. Ang maaaring posisyon ay mula sa pagiging CEO ng kumpanya hanggang sa regular na empleyado.
Ang sukatan ng mga matataas na posisyon ay ang kakayanan ng isang indibwal upang maisagawa ng maayos ang operasyon ng kumpanya, maayos na pamamalakad at magaling na pamumuno sa iba pang tauhan sa kanyang utos at pagmamando. Sila ang kadalasang nagkakaroon ng malalaking sa pasahod dahil narin sa kanilang kaalaman at kakayahang isagawa ng maganda ang operasyon tungkol sa Produkto o Serbisyo o pareho.
Ang kadalasang mga organisasyon o kumpanya na nagbibigay ng Active Income o aktibong kita ay ang mga halimbawa na nagpapasahod sa indibidwal, ito ay ang mga Tanggapan o Sangay ng Gobyerno, Ospital, lugar ng Konstroksiyon, mga Fastfood Chain o Restawran at iba't iba pang katulad nito na pinapasukan ng empleyado. Ang iba ay pinaghahandaan ang pagiging empleyado upang sa ganoon ay magkaroon ng mas malaking kita at magandang pagkakataon upang mas mapataas ang posisyon.





No comments :
Post a Comment