Sabi nga nila!!! nakikita daw sa tao ang kakayahan nya ayon sa kanyang kaalaman at nalalaman. Walang magiging punto ang tao para magreklamo kung hindi nya alam o naiintindihan ang batayan ng ibang bagay, at tayo ay nagkakaroon ng isang bagay depende sa ating kaalaman at dumidepende sa kung ano ang ating posisyon sa buhay.
Kailangan hindi ka lang lagi nakadepende sa iyong sarili, minsan kinakailangan mong malaman muna ang dahilan ng kabilang panig. Isa sa kahalagahan nito ay upang mas malaman mo kung paano nila ibinabatay ang kanilang ibinibigay.
Halimbawa ay ilagay mo ang iyong sarili sa pinakamataas na posisyon, yung ikaw ang nagpapatakbo ng kumpanya (wag mo munang tinganan ang kinikita). Ikaw ang nagmamanage, kung sakaling ikaw ang magsasala ng empleyado sayo dadaan ang lahat ng transaksyon ng kompanya at magpapasahod, ikaw ang magdedesisyon, sa madaling salita ikaw yung boss ng iyong pinapasukan. Saka mo ikumpara ang posisyong iyon sa posisyon mo ngayon, kaya mo ba?!!!
Kung sa tingin mo talagang kaya mo, umpisahan mo!!! Walang mawawala sayo kung pagaaralan mo at sikaping matutunan.
Wag nating ugaliing magreklamo dahil alam nating ayaw rin nating may nagrereklamo sa atin. Hindi Ba? "Lets turn negative into positive" hanap muna tayo ng DAHILAN para maunawaan at hindi humanap ng PARAAN para lang makapagreklamo, lalabas pa na papansin lang tayo niyan.
Mas mabibigyan ka ng magandang prebeleho sa paghahanap mo ng magagandang bagay, ugali at sa wastong pamumuhay. Hindi ko sinasabing umiwas ka sa mga negatibong bagay ang dapat mo lang gawin ay malaman, dahil ito ay may naitutulong din sa atin. Halimbawa nito ay sa pagnanakaw kailangan mong malaman hindi para gawin but to be aware o may kamalayan ka sa kung paano nila ito isinasagawa at ng sa gayon ay makakaiwas ka sa ganitong mga pangyayari.
Paunlarin ang sarili sa pagkakaroon ng bukas na isipan sa mga alternatibong bagay na maaaring ikakaunlad ng ating kamalayan. Ang tamang pagsusumikap ay may tamang pupuntahan sa pamamagitan ng tamang aksyon at desisyon.
Don't forget to Spead the Good News!!!





